Sa tiyan pa lang ako ng mama ko suplado na ko.
Home · Archive · RSS · Mobile · Submit · Ask · Nung kinakausap ako ng mama ko nung nasa tiyan ako hindi ako sumasagot. Suplado eh.

~stanleychi

Minsan ako’y naging isang kabet.

Musta na mga dude? Hope your doing fine thank you hehe. I’m sure na marami na naman mape-pressure dahil nalalapit na ang pasko. Maglalabasan na naman ang mga SMP. Magrereklamo na naman na pasko na wala pa rin nagmamahal. Ok lang yan mga dude di pa huli ang lahat pwede ka pang bumoundary, pwedeng pwede pa kayo mambola hehe. Kung hindi talaga kakayanin may next year pa naman. Pag wala pa rin same lang din ang sasabihin nyo sa sarili nyo “May next year pa naman”, ganun pa rin sa susunod na taon at sa susunod pa, the end.

Joke lang hehe, kayo naman basta huwag nyo masyado madaliin mga dude siguro hindi pa ito ang right time na magmahal kayo o kaya naman hanap kayo ng hanap eh nasa  harap nyo lang pala yung tunay na magmamahal sa inyo. Oh di ba kapitbahay mo lang pala di mo napapansin. Pansinin mo ang mga maliliit na bagay pero malake naman ang dulot na kaligayahan.

Siguro ay nagtataka na kayo mga dude kung ano ba talaga ang essence ng title ng blog ko na ito. Eto na yata ang malupet kung revelation sa aking buhay. Sa inyo ko lang ise-share ito dahil loves ko kayo hehe. Minsan ako po ay naging isang kabet.

Nangyare ito 4 years ago. Ang pangalan nya ay Jenny, maganda, maputi, matalino, registered nurse, at ulalam talaga ang wankata hehe. Naging kawork ko sya at di ko naman talaga sya pinapansin dahil mayroon syang boyfriend noon. Madalas ko pa nga sila makita magdate pagkatapos ng aming work doon sa Robinsons Galleria. Holding hands while walking. Talagang wala akong pake sa kanila hehe.

At nagkataon lang na naging close kami kase kasama ko sa team. Dedma pa rin ako sa kanya, kaya iniisip nya na suplado ako which is totoo naman hehe. Minsan nagkayayan ang circle of friends namin na manood ng sine. 5 kami si Harry, Karen, Sya, ako at yung isang babae na matangkad na nakalimutan ko na ang pangalan hehe. Nung time na yun may namumuo ng something kay Harry at Karen. So wapakels naman ako dun at in-enjoy na lang namin yung movie. Natatandaan ko pa ang title ng movie “PARASITES”.

At simula noon ay araw araw na kaming magkasama at doon sya nadevelop…

Abangan. Ang haba kase kaya sa pagkakataon na ito ay bibitinin ko muna kayo mga dude para sabay sabay tayong sumakit ang puson hehe.

  1. seryosongsuplado posted this
previous
next